OWWA magbibigay ng P1.8M livelihood grant sa dalawang grupo ng OFW sa Sorsogon

SORSOGON CITY – Gagawaran ng Overseas Workers Welfare Administration Bicol (OWWA) ng aabot sa P1.8M na livelihood grant ang dalawang organisasyon ng OFW sa lalawigan ng Sorsogon.

Ayon sa tagapagsalita nito na si Rowena Alzaga, ang grant ay bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na suportahan ang mga kwalipikadong miyembro ng Juban OFW Family Circle sa nasabing bayan at San Rafael OFW Family Circle sa bayan ng Pilar at naglalayong itaas ang kanilang paraan sa pamumuhay sa pamamagitan ng pagpasok at pakikisapalaran sa negosyo.

Dagdag pa ng opisyal na ang financial grant ay isang bagong programa na ipinatupad noong 2020 upang makabili ng mga raw materials, kasangkapan at kagamitan para sa mga proyektong pangkabuhayan ng mga kwalipikadong benepisyaryo.

Ang mga aprubadong negosyo sa dalawang grupo ay retail marketing sa kani-kanilang lugar.

Sa unang trance, ang Juban OFW Family Circle ay makatatanggap ng P1M habang at P800,000.00 naman para sa OFW Family Circle ng San Rafael.

Ang pangalawang trance ay ibibigay matapos na maerihistro ang grupo sa Dept of Trade and Industry at ang ikatlong trance ay pagkatapos na maitatag na ang kanilang mga proyekto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *