P4M na halaga ng suspected shabu, narekober sa mga umano’y big time drug pushers Cebu

Na-aresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Cebu District Office ang dalawang idnibidwal na kinilala bilang mga umano’y ‘big time’ drug pusher sa Sitio Bungtod, barangay Calambua, bayan ng San Remegio sa Northern Cebu.

Kinilala ang mga na-aresto na sina Leo Salvador Montealto at Ritchel Mongas Banga-Banga noong miyerkules kasabay ng pag-serve ng search warrant dahil sa paglabag nila sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at ng Illegal Possession of Firearms and Ammunition.

Sa nasabing operasyon, nasamsam ng NBI ang sampu (10) malalaking supot na pinaghihinalaang naglalaman ng shabu na tinatayang may bigat na 500 grams at nagkakahalaga ng P4 Million.

Maliban dito, na-recover din ang iba pang mga drug paraphernalia, dalawang chamber-loaded Caliber 45 Pistol, isang ( 1) shotgun, kasama na ang mga bala ng Caliber 45 pistol at Shotgun.

Ang naturang mga drug pusher, ay nag-didistribute di umano ng ipinagbabawal na gamot sa bayan ng Borbon, Medellin at sa lungsod ng Bogo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *