Pagbili ng mga lokal na produkto para sa infra projects, aprubado na ni Pangulong Marcos

Aprubado na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gumamit ng mga lokal na produkto para sa infrastructure projects ng gobyerno.

Ang pagbili at paggamit ng local na building materials ay iminungkahi ng Private Sector Advisory Council (PSAC) upang gawing prayoridad ang mga sariling produkto ng bansa.

Inatasan ng Pangulo ang Department of Trade and Industry (DTI) na makipag-ugnayan sa PSAC para sa listahan ng construction materials na maaring gamitin ng gobyerno sa infra projects.

Hiniling ng PSAC kay Pangulong Marcos na suportahan at tangkilikin ang lokal na industriya dahil pang-world class ang kalidad ng mga produkto at higit pa sa mga inaangkat na produkto mula sa ibang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *