Pagpapagawa ng bagong fire station Malilipot, Albay, pinaplano na ng LGU at BFP

Pinaplano na ng lokal na pamahalaan ng Malilipot, Albay at ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pagpapatayo ng bagong fire station sa bayan.

Ito ang inihayag ni SFO4 Warren Orandain, Municipal Fire Marshall ng nasabing bayan sa isinagawang turn-over ceremony ng bagong fire truck mula sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay Orandain, matapos maibigay sa kanila ang fire truck, nais din nitong magpagawa ng bagong fire station.

Aniya, isa sa mga requirements para magkaroon nito ay kinakailangang magdonate ng lupa ang LGU.

Hinahanapan na rin umano ng alkalde nito na si Cenon Volante ng lupa upang masimulan na pagtatayo ng nasabing gusali.

Hindi lamang ang bayan ng Malilipot ang may ganitong problema dahil sa may mga lugar o bayan pa sa rehiyon na hanggang sa ngayon ay wala pang fire truck at modernization ng fire station.

Sinabi ng opisyal, sa ngayon ay pinupunan na rin ng tanggapan ang mga kakulangan sa mga kagamitan ng bawat munisipyo o syudad upang makapagbigay ng serbisyo sa komunidad lalo na sa mga nasusunugan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *