Pambato ng Albay sa chess championship sa Bangkok Thailand, umapela ng tulong pinansyal

LEGAZPI CITY – Ipinakilala ng Provincial Government ng Albay sa flag raising cewremony ang isang batang nagkampeon sa Under 10 boys division ng National Age Group Chess Championship Grand Finals 2022 nito lamang Hulyo 19-24 ng kasalukuyang taon sa malolos Bulucan.

Kinilala ito na si Bince Rafael Operiano n8 taong gulang na bata residente ng Barangay Busac bayan ng Oas Albay.

Sa Exclusibong panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Ben Operiano, ama ng athleta, umaapela ngayon ng tulong pinansyal sa Pamahalaang Panlalawigan ng Albay para sa nalalapit nitong kompetisyon sa Chess Championship sa Bangkok Thailand.

Target ng nasabing patimpalak sa buwan ng Nobyembre 2022. Aniya, isa lamang silang mahirap na pamilya kung kayat dumudulog ito sa local officials na tulong na gagamitin nitong pera para sa mga gagamitan nito sa tranings, travel expenses na sasalihan na kompetisyon at iba pa.

Ayon pa kay Operiano, nagsimula ang kanyang paglalaro ng chess ang kanyang anak ng makitaan ito ng potensyal sa paglalaro ni dating chess grandmaster Sonia Frayna kung kayat nahikayat ito na ipagpatuloy ang paglalaro.

Si Bince Rafael sa edad na anim na taong nagsimula na itong maglaro sa National Age Chess Group kiddie category nitong taon 2020 na ginanap sa Albay Astrodome kung saan naging kampeon ito.

Sunod sunod naman ang pagkapanalo o pagiging kampeon nito sa sa larangan ng Chess dito sa lalawigan ng Albay hanggang sa sumabak na ito sa National Chess Championship.

Si Operiano ay isa ng myembro ng Team Pilipinas at target rin nito na makamit ang pagiging isang National Chess Master ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *