Pangulong Marcos at Indonesian President Widodo nakatakdang magpulong ngayong araw

Mainit ang naging pagtanggap ng Filipino community kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos na ilaan nito ang kanyang unang araw ng Indonesia trip, para sa mga kababayan sa Jakarta.

Dumitresto ang Pangulo sa Fairmont Hotel kung saan nag naghihintay ang daan-daang mga Pinoy kung saan inihalintulad ang mood noong nangangampanya pa lamang ito para sa presidential race.

Sa gitna nito, nagpapasalamat si Marcos sa pagmamahal ng mga Pilipino sa Pilipinas, sa kabila ng mga sakripisyo umanong dinadaanan para lang sa pamilya, at para sa bansa.

Ngayong araw inaasahang makikipagkita si Pangulong Marcos sa kanyang Indonesian counterpart na si President Joko Widodo sa Bogor Palace.

Inaasahan din lalagdaan ng dalawang lider ang ilang kasunduan na may kinalaman sa pagpapalakas ng Cultural Cooperation, defense and security cooperation, at pagpapatibay ng bilateral relations.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *