Pangulong Marcos lilipad na ngayong araw patungong Germany

Ngayong araw na ang alis ni Pangulong Bongbong Marcos para sa work visit sa Germany na susundan ng state visit nito sa Czech Republic.

Inaasahang matatalakay sa pulong ni Marcos at German Chancellor Olaf Scholz ay ang mga government to government joint declaration of intent.

Makikipag pulong rin ang Pangulo sa mga major companies sa Germany para hikayatin silang mag invest sa Pilipinas.

Habang nakalinya naman ang lalagdaang joint communique sa pagitan ng Pilipinas at Czech republic, layunin nitong patibayin ang mga kasunduan para sa pagpapalakas ng proteksyon sa mga Overseas Filipino Workers o OFW.

Samantala magtatagal ang byahe ni PBBM mula March 11 hanggang 15.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *