PBBM inilatag ang mga hakbang sa pagtanggap ng mas maraming foreign investments

Inilatag ni Pangulong Ferdinad Bongbong Marcos Jr. sa harap ng mga negosyante sa Amerika ang mga ginawang reporma ng Pilipinas para tumanggap ng mas maraming foreign investments.

Sa kanyang talumpati sa New York Stock Exchange Business Forum sinabi ni Pangulo na ngayon ang pagkakataon para mag-invest sa bansa dahil sa umanoy gumagandang ekonomiya.

Dagdag pa nito gumawa din umano ng mga polisiya ang pamahalaan para tumanggap ng foreign investment.

Kabilang na dito ayon kay Marcos ang pagpapababa sa tax rates at rationalize fiscal incentives, pati na ang pagbawas sa minimum capital requirements para sa mga foreign retailers na magdadala ng mga bagong teknolohiya.

Ibinida din ng Pangulo na sa ngayon, pinapayagan na sa Pilipinas ang full foreign ownership ng mga kumpanyang magbibigay public services katulad ng telecommunications, shipping, air carriers at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *