PBBM, pinag-usapan ang isyu ng death row sa Malaysia

Inilahad ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na napagusapan sa joint commission meeting nito sa Malaysia ang kaso ng 56 na Pilipinong sangkot sa death row sa naturang bansa.

Ayon sa pangulo, kinakailangan pa nito ng karagdagang talakayan kaya’t paguusapan at tatalakayin ang repatriation ng mga apektadong Pilpino sa isa pang Joint Commission Meeting sa Oktubre.

Case to case basis daw ang magiging basehan ng administrasyon kung ipagpapatuloy ng mga ito ang sintesya sa Pilpinas, ngunit sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na hindi ito kinakailangan.

Sa naitalang 83 Pilipinong humaharap sa death penalty sa ibang bansa, 56 nito ay nasa Malaysia na ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na nahatulan ng pagpatay at drug trafficking sa Malaysia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *