PCG, muling umapela sa CCG na tigilan na ang panghaharas sa mga barko ng PH sa WPS

Muling umapela ang Philippine Coast Guard sa China Coast Guard na tigilan na ang panghaharas sa mga barko ng bansa sa West Philippine Sea.

Ayon kay PCG Spokesperson for the WPS Commodore Jay Tarriela, itpo’y upang hindi na magkaroon pa ng mas malaking insidente sa ating karagatan.

Ang pahayag ni Commodore Tarriela ay kasunod pa rin ng pagbangga at pambobomba ng tubig sa barko ng PCG at civillian vessel na nagsagawa ng rotation and resupply mission sa Ayungin shoal kamakailan.

Sa kabila ng maraming probokasyon, sinabi ni Tarriela na magpapatuloy ang government efforts sa WPS lalo na ang regular RORE sa mga sundalo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *