PH at Amerika – nagkasundo na labanan ang umano’y ‘information manipulation’ ng China

Nagtapos na ang ikinasang 11th PH-US Bilateral Strategic Dialogue (BSD) sa pagitan ng Amerika at ng Pilipinas sa Washington, D.C.

Ayon kay Philippine Ambassador to United States Babes Romualdez – nagkasundo raw ang dalawang bansa na labanan ang mga ‘manipulation’ ng China para itulak ang kanilang interes sa West Philippine Sea.

Iniulat ng envoy ang pagsasanib-puwersa ng Pilipinas at Amerika para palalimin pa ang collaboration laban dito.

Anila, sa t’wing mayroong mga insidente sa WPS – lagi raw pinamumukha ng China na ang Pilipinas pa ang mayroong aggressive behavior sa sarili nating teritoryo.

Kabilang sa mga hakbang para malabanan ito ay ang pag-tap nila sa mga cybersecurity measures para ma-check at ma-flag ang disinformation sa social media.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *