PH Embassy – wala pang natatanggap na extradition request para kay Quiboloy

Wala pang natatanggap na official request ang Philippine Embassy sa United States para sa extradition ng kontrobersyal na religious leader na si Apollo Quiboloy.

Ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, nasabihan sila tungkol sa nasabing request, pero sa ngayon ay wala pang nakakarating sa kanila.

Paliwanag pa nito, ang extradition request ay maaaring direktang ilapit sa law enforcement representatives sa US Embassy sa Pilipinas.

Mababatod na dineklarang wanted ng US Federal Bureau of Investigation si Quiboloy para sa mga reklamong sex trafficking.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *