Planong pagpapasabog ng NPA sa patrol base ng Army, napigilan

SORSOGON CITY – Napigilan ang planong pagpapasabog ng rebeldeng grupo sa patrol base ng Army sa Brgy Dampanan sa bayan ng Placer, Masbate.

Isang impormasyon umano ang natanggap ng mga sundalo hinggil sa isang bomba na itinanim ng mga suspek, 25 metro lang ang layo mula sa Patrol Base ng Alpha Company Community Support Program (CSP) Team ng 2nd Infantry Battalion.

Agad namang pinuntahan ng mga sundalo ang nasabing lugar at na-detonate ang natagpuang anti-personnel mine (APM).

Taos pusong nagpasalamat ang commander ng 903rd Brigade na si BGen Aldwine Almase sa ilang residente na nagbigay impormasyon sa kanila tungkol sa nasabing bomba.

Ayon pa sa Army official, patunay umano ito na mulat na ang mga mamamayan sa mga karahasan, panlilinlang at mga pananakot ng rebeldeng grupo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *