PPA naghahanap ng mga bidder sa P489M na pagpapalawak ng Sorsogon Ro-Ro terminal

Ang Phil Ports Authority ay nag-iimbita ng mga bid para sa pagpapalawak ng Sorsogon Roll-on/Roll-off (Ro-Ro) Terminal sa Matnog Port.

Ang proyekto na may budget na P489M ay sumasaklaw sa removal, excavation at pagtatayo ng isang port operational area kasama ang continous Ro-Ro ramp.

Layunin ng Sorsogon Ro-Ro terminal Expansion Project na tugunan ang ‘imbalance’ o kawalan ng balance sa pagitan ng daungan ng Sorsogon at Samar. Ang Matnog Port sa nasabing lalawigan, na may 8 rampa, ay nahaharap sa patuloy na pagsikip at pila ng mga trak, lalo na sa panahon ng holidays.

Sinabi ni Transportation Asst Secretary for Maritime Atty Julius Yano, ang pagbuo ng daungan ay naaayon sa National Logistics Strategy at sa pananaw umano ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., na  gawing logisitics hub ang Pilipinas sa Asean.

Kasama sa proyekto ang tuloy-tuloy na rampa na kayang tumanggap  ng lima hanggang sa 6 na sasakyang dagat nang sabay-sabay at isang back-up na lugar na sususporta sa maximum efficiency ng mga Ro-Ro ramp para sa mas mataas na maneuverabiolity at queuing efficiency.

Ang timeline para sa pagkumpleto ng proyekto ay 660 calendar days from the notice to proceed.

Ang pre-bid conference ay gaganapin sa Disyembre 11 habang ang deadline ng pagsususmite ng mga bid at pagbubukas ng mga bid ay nakatakda sa Disyembre 28.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *