Provincial Vet Office, sinigurong ligtas ang mga hayop sa Albay Park and Wild Life ngayong tag-init

LEGAZPI CITY – Tinitiyak ng Albay Provincial Veterinary Office na ligtas at nasa maayos na kalagayan ang lahat ng mga hayop sa Albay Park and Wild Life ngayong panahon ng tag-init.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Dr. Pancho Mella, head ng nasabing opisina, sinabi niyang ang lahat ng mga hayop sa nasabing pasilidad ay mayroong mga kulungan para sa kani-kanilang kaligtasan.

Aniya, ang mga caretakers din doon ay mayroong sapat na kasanayan pagdating sa pangangalaga ng mga hayop, at halos mayroon itong 24 oras na supply ng tubig upang hindi ma-dehydrate ang mga hayop.

Kung titignan umano ang mga kulungan, mapapansing mayroon ditong animo’y pond upang kung sakaling ang mga hayop ay makaramdam ng init, maaari rin silang lumangoy.

Shady at forested umano ang nasabing pasilidad, kung kaya’t hindi gaanong ramdam ang init para sa mga hayop.

Dagdag pa ni Mella, regular ding pinapainom ng mga bitamina ang mga hayop sa wild life, kung kaya’t hindi rin ito gaanong tinatamaan ng mga sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *