QCPD Chief Maranan, nag-sorry kay VP Duterte hinggil sa viral video na nadamay ito dahil sa pagpapahinto ng trapiko sa Commonwealth

Humingi ng tawad si Quezon City Police District (QCPD) Chief Police BGen. Redrico Maranan kay Vice President Sara Duterte.

Ito ay dahil sa viral video kung saan nadamay ang pangalan ni Vice President Sara Duterte sa pagpapahinto ng sasakyan sa Commonwealth.

Bukod dito, nagsorry rin si Maranan sa publiko sa idinulot nitong pagkalito at abala sa sitwasyon.

Nilinaw ng QCPD Chief na walang bahid na politika ang nangyaring insidente.

Aniya, talagang bahagi ng tungkulin ng kapulisan ang pagmamando ng trapiko sa paghahatid ng seguridad kapag may mga VIP na gaya ng diplomats, elected government officials, at maging state guests.

Una nang nagpaliwanag ang QCPD Station 14 na nag-overreact lamang ang pulis na si Sgt. Pantallano nang marinig na may paparating na VIP kaya pinahinto nito ang trapiko sa Commonwealth Ave.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *