RDRRMC operation center, inilagay sa blue alert status dahil sa epekto ng weather disturbance ngayon linggo bunsod ng low pressure area – OCD Bicol

LEGAZPI CITY – Inilagay ng Office of the Civil Defense (OCD) Bicol na ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) Operation Center ng Bicol region ay nasa blue alert status dahil sa epekto ng weather disturbance ngayong linggo na dala ng low pressure area.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Gremil Naz, tagapagsalita ng nasabing tanggapan, sinabi nitong napag-usapan umano ng mga ito ang posibleng weather disturbance ngayong linggo, kung saan ang mga scenario na gagalawan o tatahakin ay LPA 93W o Paeng.

Base sa forecast ng PAGASA, maaaring pumunta ang nasabing bagyo sa Japan ngunit mayroon ding scenario na magla-landfall sa bahaging Visayas o Cagayan region ngunit madadaan nang kaunti ang Bicol.

Aniya, kahit paiba-iba ang direksyon ng bagyo, nais pa ring masiguro ni RD Claudio Yucot ng OCD na nakahanda pa rin ang rehiyon.

Dahil dito, nilagdaan ng opisyal ang Memorandum No. 73 bilang RDRRMC Chairperson, na ang rehiyon ay makakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan dahil sa epekto ng inaasahang weather disturbance.

Gayundin naman, dapat naka-standby ang RDRRMC Bicol response agencies at lahat ng PDRRMC, DRRMO at CDRRMO para sa anumang pagtugon kaugnay ng epekto ng gulo ng panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *