Sampong paaralan sa Zambales tuloy-tuloy na ang face-to-face classes

Tuloy-tuloy na ang klase ngayon sa lahat ng sampong paaralan sa lalawigan ng Zambales.

Ito ay ang mga eskwelahan na kabilang sa pilot implementation ng face-to-face classes na nagsimula noong November 15.

Matatandaan na sa unang arangkada ng klase ay ang pitong paaralan lamang sa Botolan ang nakapagsimula ng klase.

Ayon kay Zambales Assistant Schools Division Superintendent Michelle Mejica, ang mga gurong kabilang sa nagpositibo sa antigen testing noong November 14 ay nagnegatibo naman sa confirmatory test.

Dahil dito ay nakapagsimula na rin ng in-person classes ang Baliwet Elementary School at San Marcelino National High School nakaraang November 22 habang ang Banawen Elementary School naman sa San Felipe ay noong November 17.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Deped Regional Office 3

May be an image of text that says 'NUTRI CLEANSE HERBAL CAPSULE "Linis Tiyan, Sexy Tiyan" SEXY AND HEALTHY, MENTALLY AND PHYSICALLY! HEALTHLINE EALTHI CORP. 500mg 6Cae Capsules NUTRICLEANSE HERBAL CAPSULE Food Supplement NOAPPROVED ക THERAPEUTIC Û Nasa La Lazgad! www.nutricleanse.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *