Seguridad ng mga kandidato sa Camarines Sur  ngayong campaign period mahigpit na minomonitor ng pulisya

NAGA CITY – Walang dapat na ipangamba ang mga nagkakampanyang mga kandidato ngayong halalan dahil sa nakaantabay naman sa kanila ang mga pulis at mga sundalo.

Sa safety measures na inihanda ng Phil National Police ,sila ang nakamonitor sa mga galaw ng kandidato sa bayan, samantalang ang mga sundalo naman sa mga malalayong barangay.

Asahan na rin ang regular na pagroronda ng mga sundalo sa mga kabukiran para matiyak ang kaligtasan ng mga kandidato habang nangangampanya.

Kaugnay nito, inihayag sa Brigada News FM Naga ni PMajor Jim Jeremias, kasalukuyang Chief of Police ng Caramoan Municipal Police Station na ganito ang sistemang ginagawa nila, lalo pa at maraming bulubunduking lugar ang iniikutan ng mga kandidato sa bayan nila. Anya’y nakaalerto naman sila sa lahat ng oras lalo na sa gabi .

Nabanggit pa ng opisyal na sa kabila ng isyu ng muling pagpaparamdam ng mga armadong grupo, wala pa namang nangyayaring election related incident sa kanilang bayan.         

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *