Signal No. 5, itinaas na Babuyan Islands dahil sa Super Typhoon #EgayPH,

Isinailalim sa pinakamataas na Tropical Cyclone Wind Signal na Signal No. 5 ang eastern portion ng Babuyan Islands partikular na ang isla ng Camiguin.

Sa latest bulletin ng PAGASA, napaantili pa ng Super Typhoon Egay ang lakas nito habang patuloy na tinatahak ang direksyong pa hilagangkanluran.

Huli itong namataan sa layong 240 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan, taglay ang lakas ng hangin na papalo ng 185 kilometro kada oras at bugsong aabot ng 230 kilometro kada oras.

Samantala, nananatili namang nakataas ang Signal No. 4 sa Northeastern portion ng mainland Cagayan kabilang na ang Sta Ana at Gonzaga.

Signal No.3 naman sa northeastern portion ng Isabela, nalalabing bahagi ng Cagayan, Apayao, eastern portion ng Ilocos Norte, northeastern portion ng Kalinga at Batanes.

Signal No. 2 naman sa nalalabing bahagi ng Isabela, northern at central portions ng Aurora, Quirino, nalalabing bahagi ng Kalinga, northeastern portion ng Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Mountain Province, Ifugao, northern portion ng Benguet, at northern portion ng La Union.

Signal No.1 naman sa Quezon kabilang ang Pollilo Islands, nalalabing bahagi ng Aurora, nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng Benguet, nalalabing bahagi ng La Union, Nueva Ecija, Pangasinan, Tarlac, Zambales, Bulacan, Pampanga, Bataan, Marinduque, Cavite, Metro Manila, Rizal, Laguna, Batangas, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, at Catanduanes
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *