SSS, hindi isasara ang pinto na mag-invest pa rin sa Maharlika Investment Fund

Hindi isinasantabi ng Social Security System o SSS na kalaunan ay maglalaan pa rin ng pondo ang kanilang tanggapan para sa ipinapanukalang Maharlika Investment Fund (MIF).

Sa pulong balitaan matapos ang launching ng expanded ‘Workers Investment and Savings Program Plus’, sinabi ni SSS CEO Michael Regino na hindi nila tuluyang isinasarado ang posibilidad na mag-invest pa rin ang SSS.

Ayon kay Regino, titingnan nila ang lahat ng mga options hinggil sa ipinapanukalang pooled funds ng pamahalaan.

Sa oras naman daw na mapatunayang ‘well-managed’ ito at ligtas, sinabi ng SSS official na magi-invest pa rin sila sa MIF.

Sabi ni Regino, naniniwala siyang makatutulong ito sa nation building.

Matatandaaang sa pinakahuling bersyon ng MIF sa Kamara – tuluyan nang inalis ang SSS at ang GSIS bilang mga paunang maglalaan ng pera sa seed round ng sovereign fund makaraang mabatikos dahil sa pangambang mabangkarote ang pension money ng mga Pilipino.

Sakaling maisabatas na – magiging voluntary basis na lamang sa mga susunod na taon ang paga-allocate ng pondo mula sa dalawang state pension institutions.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *