SSS HINDI PA RIN MASABI KUNG KAILAN MAIBIBIGAY ANG KARAGDAGANG P1,000 INCREASE SA PENSYON

CAMARINES NORTE- Hindi pa rin masabi sa ngayon ng Social Security System (SSS) kung kailan maibibigay ang isang libong karagdagang increase sa pension ng mga retiradong miyembro nito.

Ayon kay SSS Daet Branch Head Engr. Ermina Maria Robredo wala pang nakararating sa kanilang advisory tungkol dito.

Aniya, ipapaalam na lamang nila sa publiko kung mayroon nang deiretiba ang nakatataas na opisina dahil maging sila aniya sa baba ay wala ring impormasyon

Nang matanong naman kung may aasahan pa bang dagdag sa pensiyon tulad ng ipinangako ng administrasyong Duterte, sinabi ni Robredo na hindi niya ito masasagot.

Mas mabuti raw kung hintayin na lamang ang pormal na advisory ukol dito.

“Incidentally po wala pa sa aming sa aming advisory on that matter pero once po mag go signal na magdadagdag na po ng yung balance na P1000 na promise pa noon- i a-anounce po namin yan, so kaya lang as of now po wala pa tayong balita or dvisory about that,” ani Robredo.

Matatandaan na noon pang mga nagdaang taon ay dati nang inihayag ng pamunuan ng SSS na hindi sapat ang kasalukuyang pondo para sa additional pension.

Mababawasan daw kasi ang Fund Life ng SSS bagay na ikinadismaya ng mga nakatatandang kakarampot ang tinatanggap na pensyon na lubhang kailangan lalo na ngayong nasa gitna ng krisis na dulot ng COVID- 19 pandemic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *