Tanggapan ng Water District sa Catanduanes, muling isinailalim sa lockdown dahil 3 empleyadong tinamaan ng COVID-19

Virac, CATANDUANES—Muling isinailalim sa lockdown ang tanggapan ng Water District sa bayan ng Virac, Catanduanes matapos na mag positibo sa COVID-19 ang tatlong empleyado nito.

Ayon kay Virac Mayor Sinforoso Sarmiento, inihayag nitong kinailangan na muling isara ang tanggapan upang bigyang daan ang pagsasagawa ng disinfection dito at ang contact tracing sa mga kapuwa empleyado at iba pang indibidwal na nakasalamuha ng mga tinamaan ng sakit.

Samantala, agad namang isinailalim sa swab testing ang mga paunang natukoy na closed contacts.

Kasalukuyan pang hinihintay ng pamunuan ng VIWAD ang resulta ng swab test ng mga ito bago mapag desisyunan ang pagbabalik operasyon ng tanggapan.

Kung sakali man na mag negatibo sa sakit ang mga closed contact employees ay maaari nang buksang muli ang tanggapan ngayong darating na araw ng Huwebes, lalo na at hindi umano maaaring isara ng mahabang panahon ang opisina.

Sa kasalukuyan ay pumalo na sa anim na mga empleyado ng VIWAD ang tinamaan ng COVID-19 na pawang mga naka quarantine.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *