Task Force Quarry Albay na tututok sa anomalya sa quarry operations, binuo

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ni OIC Albay Provincial Engineering Office Engr. Clemente Ibo na papalitan ang pangalan ng Task Force Kalikasan at maging ang mga tauhan ng mga ito.

Ayon kay Ibo, tatawagin na ngayon na “Task Force Quarry” ang mga bagong tauhan sa ilalim ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) Albay.

Aniya, ang pagpalit ng mga tao at pagpalit ng pangalan ng Task Force ay dahil sa mga umanoy anomaliya sa quarry operations sa lalawigan.

Dahil dito, maiiwasan na rin ang mga gawain na ilegal sa quarry kung saan nagkaroon umanong lagayan ng pera sa mga operator at task force kalikasan nitong nagdaang administrasyon.

Sinabi ng opisyal, magiging pantay na rin ang pagtrato sa mga operator na nagsasagawa ng quarry sa Albay kung saan ay susunod ang mga ito sa ipinatutupad na mga requirements ng Pamahalaang Panlalawigan, Mines and Geosciences Bureau (MGB), Environmental Management Bureau (EMB) at ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *