US, inumpisahan na ang pagpapadala ng vaccine donations sa Pilipinas

Inanunsyo ng White House na sinimulan na nito ang shipment ng milyon-milyong doses ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas.

Sa Twitter post ni White House Spokesperson Kevin Munoz ay sinabi niya na nasa mahigit 3.2-million doses ng Johnson & Johnson vaccine ang ipadadala ng US sa Pilipinas.

Kasama ito sa mga efforts ng Washington na mapaigting ang coronavirus diplomacy nito sa mga developing nations sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga doses ng bakuna.

Base sa datos ng Reuters ay nasa mahigit 13.4-million doses na ang na-administer sa Pilipinas, na sapat lamang para sa 6.2% ng kabuoang populasyon nito gamit ang two-dose vaccine brands.

Mababatid na kinakailangan lamang ang isang dose ng J&J vaccine para makonsiderang fully vaccinated ang indibidwal na magpapaturok nito.

Samantala, hindi na kailangan na malagay sa cold storage ang J&J vaccine na dahilan upang mapadali ang distribusyon nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *