Veteran Actor na si Robert Arevalo, pumanaw na

Pumanaw na ang beteranong aktor na si Robert Arevalo kahapon sa edad na 85-anyos.

Inanusyo ito ng kanyang anak na si Anna Ylagan sa kanyang social media.

Ayon kay Ylagan, sigurado siyang may lugar ang kanyang ama sa langit kaya’t payapa ang kanyang kalooban.

Gaganapin ang lamay ng aktor sa Arlington Chapels sa Quezon City sa darating na Sabado at Linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *