Voter education and information campaign itutuloy ng Comelec pagkatapos ng filing ng COC

CAMARINES NORTE – Itutuloy ng Commission on Elections ang voter education at information campaign pagkatapos ng filing ng certificate of candidacy (COC) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay Election Officer III Annelyn Abanes marami pa kasing dapat na puntahang barangay ang Comelec para ipaliwanag sa lahat ang tungkol sa darating na BSKE.

Halimbawa na lamang umano sa bayan ng Basud na sa 29 Barangay ay 14 pa lang ang kanilang napupuntahan.

Binigyang diin ni Abanes ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng voter education dahil pagkakataon din umano nila ito para masagot ang iba’t- ibang election concerns lalo na sa mga barangay.

Kasama ng Comelec sa pagsasagawa ng voter education ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na siya namang naglalatag ng mga katangian ng mga kandidatong dapat iluklok sa pwesto.

Ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police naman ang nagbibigay ng orientation patungkol sa Peace and Order situation.

Magtatapos ang filing ng COC ngayong araw, September 2.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *