1, 200 na mga pulis, ipapadalang dagdag na puwersa sa Naga City para sa Peñafrancia Festival

NAGA CITY- 1, 200 na mga pulis ang ipapadala sa Naga City bilang dagdag na puwersa ngayong Peñafrancia Festival ayon sa Police Regional Office 5.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni PSMS Toby Bongon , tagapagsalita ng Naga City Police Office. Aniya 1,500 ang request nila dahil sa inaasahang mas dagsa ngayon ang bisita at deboto lalo na’t wala nang restrictions at marami ring aktibidad.

Ayon kay Bongon sa Sept. 8 o sa Traslacion , 1, 200 ang augment matapos ito ay babalik sa kanilang mga assignment , dagdag na 400 naman ang ilalatag sa Military parade at balik sa 1,200 sa Fluvial Procession sa Sept. 16.

Noon ilang linggong nanatili sa lungsod ang buong puwersa pero ngayon babalik muna sa assignment kung kaya naman ang crowd control, traffic at area security ng organic NCPO member at force multiplier at volunteers.

Isa sa mga abalang lugar ang Barangay Balatas kung sa naroroon ang Basilica Minore , ayon kay Kapitan Allan San Juan , mamatili ang augment sa Mc Mariano Elementary School.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *