1 kilo ng Shabu, nasamsam sa operasyon ng PDEA BARMM sa Marawi City

NAKASAMSAM ang mga elemento ng PDEA -BARMM sa panumumumo ni RD Juvenal Azurin ng higit kumulang Isang kilo ng hinihinalang shabu sa kanilang ikinasang buy-bust operation laban sa nakatakas na high value target drug personality alas 12:30 ng tanghali kahapon sa may sa may C&D Commercial Bldg., Brgy. Green, Amai Pakpak Avenue, Marawi City.

Kinilala ng PDEA BARMM ang suspek sa pangalan na KASIM DIMAPORO na umanoy matagal narin nila ito sinusubaybayan dahil sa pagkakasangkot nito sa kalakaran ng iligal na droga.

Nakumpiska ng mga operatiba ang isang kulay itim na paper bag na may nakasulat na “Telepreneur Group” na naglalaman ng isang isang kulay pula na eco bag kung saan iyon ang pinaglagyan ng isang nakabukas na yellow plastic cellophane na may nakasulat na GUANYINWANG at mga Chinese characters at sa loob nito nakalagay ang nabanggit na droga na siyang object of sale.

Tinatayang nagkakahalga ng P6,800,000.00 ang halaga ng nasamsam na iligal na droga base sa national average price. Nakatuwang ng PDEA sa operasyon ang tropa ng 103rd Brigade at 500 CEB.

Sa ngayon ay nasa custody na ng PDEA RCLO BARMM ang nakuhang ebidensiya habang inihahanda narin ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *