1 napaulat na nasawi sa pananalasa ng Bagyong #GoringPH at #HannaPH ayon sa NDRRMC

Isa na ang napaulat na nasawi sa Western Visayas kaugnay ng pananalasa ni Bagyong Goring at Hanna sa bansa.

Sa latest bulletin ng NDRRMC, kanilang sinabi na ito ay for validation pa.

Ang napaulat na nasawi ay unang naireport na missing.

Samantala, may kabuuang 387,242 katao o 106,677 pamilya ang naapektuhan nina Goring at Hanna sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, at Cordillera Administrative Region (CAR).

Pinsala sa agrikultura dahil sa Bagyong Goring, umabot na sa halos 400M***HEADING

Umabot na halos P400M ang halaga ng pinsala at pagkalugi sa sektor ng agrikultura kasunod ng pananalasa ng Bagyong Goring.

Sa inilas na datos ngayong araw ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) may 8,734 na bilang ng magsasaka at mangingisda na ang apektado ng sunod-sunod na sama ng panahon.

Habang mahigit sa 16K hectares na ang napipinsa at aabot sa halos P500K na ang halaga ng damage sa Livestock, poultry at fisheries.

Batay sa Department of Agriculture, Disaster Risk Reduction and Management Operations Center o DA RRMO Center, ang mga naapektuhang magsasaka at mangingisda ay sa bahagi ng Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, at Western Visayas.

Sa ngayon patuloy pa rin ang pagpapaabot ng tulong ng National government katuwang ang iba’t ibang ahenysa at maging ng ilang mga private sector kung saan may tinatayang mahigit sa P16M na assistance na ang naipamahagi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *