1 patay, 3 sugatan sa aksidente sa Puerto Princesa

Patay ang isang rider habang sugatan ang tatlong iba pa sa banggaan ng tricycle at motorsiklo sa Km. 27, Barangay Luzviminda, Puerto Princesa City.

Kinilala ng PNP ang nasawi sa ospital na rider ng Euro 125 na si Jessril Dayapan Rabacca 24 anyos, nakatira sa Bgy. San Manuel,  Puerto Princesa.

Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang mga nakabanggaan nito na drayber ng tricycle na si Raffy Valerio Valencia 30 anyos at 5 taong gulang nitong anak habang nagtamo lamang ng galos ang isang pasahero na si Reymond Lacorte Villar, 18 anyos.

Batay sa imbestigasyon ng Puerto Princesa City Police Office, ganap na 7:30 kagabi, May 22, 2022 nangyari ang banggaan ng dalawang sasakyang nang kainin ng motorsiklo ni Jessril ang linya ng tricycle na papunta sa bayan ng Narra.

Pinaniniwalaan na naka- inom ng alak si Jessril kaya mabilis ang takbo ng motorsiklo nito dahilan ng pagbangga sa tricycle.

Samantala, dinala ang kanilang mga behikulo sa police station at tanod outpost.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *