12, 963 cubic meter, nababawas na sa supply ng MNWD araw-araw

NAGA CITY – Umaabot sa 12, 963 na cubic meter ang naibawas na suplay ng tubig araw-araw sa  Metropolitan Naga Water District sa buwan ng Marso, o katumbas ang isang maliit ng barangay na maaari na sanang masuplayan nito.Maaari pang tumaas ang kakulangan ng tubig kung magtutuloy-tuloy ang init ng panahon na epekto ng El Niño, na apektado pa ang ilang area sa lungsod, tulad ng Barangay Mabolo, Sta. Cruz, Abella,  at iba pa, maging bayan ng Camaligan, Canaman, Gainza at iba pang bayan.

Sa panayam kay Choppy Dela Cruz, Spokesperson ng opisina, habang pag-aaralan pa ang dagdag na suplay ng tubig sa parte ng Yabu, ng National Irrigation Administration  Bicol, nagkakaroon na ng water lorry distribution sa mga apektado, pag-rehab ng mga pumping station, na magdadagdag ng suplay.Dagdag pa ng opisyal, malaki rin ang epekto nito sa kanilang kita lalo na’t lumalaki na ang gastus na imbis para sana sa ibang programa ng opisina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *