Bumagsak na sa kamay ng pulisya ang labing-apat na sangkot sa illegal number games o “bookies” matapos ang magkahiwalay na isinagawang anti-illegal gambling operations ng Laguna Philippine National Police.
Ayon sa awtoridad, nahulihan ang mga suspek ng bet-money na nagkakahalagang P5,505.
Nakatakda na ring humarap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9287 o “An Act Increasing the Penalties for Illegal Numbers Games, Amending Certain Provisions of PD 1602”.
Tiniyak naman ni Laguna PPO Officer-in-charge, Police Colonel Depositar na patuloy lang nilang isasagawa ang paglaban sa illegal na pagsusugal upang mailayo ang kanilang kababayan sa pagkalulong dito.