Maximum penalty laban sa security screener ng OTS na inakusahang nagnakaw at lumunok ng $300, nais ni DOTr Secretary Bautista

Inatasan na ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista ang Office of Transportation Security o OTS, na magsampa na ng kaukulang kaso laban sa babaeng security screener na sangkot sa baggage theft sa NAIA terminal 1.

Sa isang pahayag sinabi ni Bautista na binigyan nya na ng direktiba si Undersecretary for Legal Atty. Reinier Yebra na tumulong sa pagsasampa ng kaso laban sa mga nadeterminang kasabwat sa pagnanakaw sa hand carry baggage ng isang pasaherong Chinese.

Nais ng opisyal na patawan ng maximum penalty ang mga mapapatunayang nagkasala upang ipakita ang determinasyon ng Kagawaran na linisin ang NAIA at iba pang attached agencies nito laban sa mga scalawags.

Ayon pa sa kalihim, dismayado sya sa isyung kinasangkutan ng kawani ng OTS.

Mababatid na nakuhanan sa CCTV ang isang babaeng security screener na may nilulunok na isang bagay, na sinasabing ang ninakaw umano nitong $300 dollar mula sa isang pasahero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *