Forum shopping, maiiwasan kung mapauubaya lamang sa OGCC ang legal opinions para sa GOCC – Drilon

Hinimok ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) na bumuo ng proposal na gagawing eksklusibo lamang sa opisina nito ang pag-iisyu ng legal opinions para sa Government-Owned and -Controlled Corporations (GOCC).

Inihayag ito ng minority leader sa gitna ng hearing ng Senate justice and human ritghts committee, kasama ang mga committees on civil service, government reorganization, and professional regulation, at finance kaugnay sa mga panukala na magpapalakas sa OGCC.

Ipinunto ni Drilon na ang legal opinion ng Office of the Solicitor General ang hiniling noon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PACGOR), na isang GOCC, kaugnay sa taxation ng Philippine Offshore Gaming Operations.

Sinabi ni Government Corporate Counsel Justice Elpidio Vega sa senador na ang kaniyang mandato ay dapat maisama sa mga panukala na tinatalakay upang ma delineate ang functions ng OGCC sa opinion-making, paghawak sa litigations, at paghawak sa mga contract reviews ng GOCCs.

Ipinaliwanag niya na ang opinyon ni Solicitor General Jose Calida ang naibigay nang hindi sangayunan ng PAGCOR ang legal opinion na ibinigay ni dating OGCC chief Rudolf Jurado tungkol sa pagbubuwis sa POGOs.

Binigyang diin ni Drilon na hindi justified ang paglilipat ng hurisdiksyon ng opinion-making sa ibang opisina dahil lamang hindi pabor ang PAGCOR sa naibigay na opinyon ng OGCC.

Naniniwala ang minority leader na maari lamang mauwi ang GOCCs sa “forum shopping” kung mapapayagan ang mga ito na humiling ng legal opinion mula sa ibang government agencies.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *