Nakatanggap na ng sahod ang isang Libong benipisyaryo ng Cash For Work Program sa bayan ng San Marcelino.
Ito ay mula sa sampong araw na pinagtrabahuan ng mga ito sa pamamagitan ng paglilinis ng kani kanilang mga barangay.
Ang payout ay personal na tinanggap ng mga benipisyaryo noong April 23 sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development Office o DSWD Region 3 at ng Muncipal Social Welfare and Development Office.
Matatandaan ang mga napiling mga benipisyrayo ng programa ay ang Barangay Aglao, Buhawen, San Rafael at Sta. Fe na naapektuhan ng bagyo noong nakalipas na taon.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO
PHOT: SAN MARCELINO PIO