1st South Luzon DRRM Congress sa Albay, dinaluhan ng public DRRM workers mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa

LEGAZPI CITY – Dinaluhan ng ilang mga panauhin mula sa iba’t ibang bahagi ng Luzon ang 1st South Luzon Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Congress na isinagawa sa siyuad ng Legazpi sa lalawigan ng Albay.

Ito umano ay maituturing na isang makasaysayang pagtitipon dahil ito ay dinaluhan ng mga DRRM professionals, experts, at stakeholders mula sa Luzon, MIMAROPA, CALABARZON, at Mindanao.

Nagbigay naman ng isang inspirational message ang gobernador ng Albay na si Edcel Greco Lagmansa pamamagitan ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) Head Dr. Cedric D. Daep sa pangwakas na programa.

Pinuri ni Lagman ang walang patid na dedikasyon ng mga manggagawa ng DRRM lalo na sa pag-tulong sa kanilang mga komunidad mula sa nakapanlulumong epekto ng mga sakuna.

Pinuri rin ng Gobernador ang kanilang kadalubhasaan, dedikasyon, at hilig sa paglilingkod sa kani-kanilang larangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *