2 babae sa Puerto Princesa, huli sa pagnanakaw

Arestado ang dalawang babae na sina Ma. Gorette Poraque, 33- anyos at si Gerlie Esteta sa reklamo ng pagnanakaw sa 49-C Baltan St, Brgy. San Miguel, Puerto Princesa City bandang alas-sais ng gabi noong Martes, Abril 23.

Sa imbestigasyon ng PS1, nahuli sa akto ng may-ari ang suspek na si Gerlie Esteta na papunta sa kanyang tindahan hanggang nadiskubre na nitong nasira na ang kandado ng sari-sari store.

Tinangka pa raw ng suspek na si Gerlie na tumakas ngunit nahuli agad ito ng mga kapitbahay bago siya dinala sa barangay hall.

Sa follow up operation, nahuli ang kasama ni Gerlie na si Ma. Gorette Poraque @Diane.

Narekober umano kay @Diane ang mga ninakaw na item tulad ng grocery item na nagkakahalaga ng Php50, 000.00, Flat screen ACE television 32inches na may halagang Php12, 000.00 at Bed Foam na nagkakahalaga ng P3,800.

Nahaharap sa kasong Robbery ang mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *