2 lalaki, sugatan matapos magtagaan sa Tayabas City

Sugatan ang dalawang lalaki matapos nitong magtagaan sa Barangay Camaysa, Tayabas City nitong Biyernes, Abril 19.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad, nagkaroon umano ng pagtatalo sa pagitan ng dalawang lalaki kung saan sa gitna nito ay nainis si alyas “Isidro” at doon na nito tinaga ng bolo ang kanyang kaalitan.

Samantala, kinuha rin ni alyas “Virgil” ang kanyang bolo at pinagtataga si alyas Isidro sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Parehong nagtamo ng mga pinsala sa katawan ang dalawang (2) lalaki kung kaya isinugod ang mga ito sa hospital para malapatan ng lunas.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *