History ng bayan ng Goa, sa Partido Area, tampok sa isang Short Film Competition

CAMARINES SUR — Mula sa malinis na color grading, cinematography at editing, hanggang sa palaban na aktingan, at angkop na historical background, ilan lamang ang mga ito sa tumatak sa katatapos pa lamang na Cine-Orgulyo, Short Film-Making Competition kaugnay ng pagdiriwang ng 217th Foundation Anniversary ng bayan ng Goa, sa Camarines Sur.

Siyam na pelikula ang ibinida sa kauna-unahang short film competition, pito ang naglaban para sa school category at dalawa naman sa barangay category. Ayon kay Rolando  Rico Jr., ng Goa Community College, at ang head facilitator ng kompetisyon, layunin nito na mas makilala ng mga kabataan ang kasaysayan ng nasabing bayan at maikwento sa masining na pamamaraan.

Binigyang diin naman ng mga young film maker tulad ng Best Director awardee for school category na si Ellen Guadalupe, ang kahalagahan ng kompetisyon hindi lamang bilang paraan upang maipakita at mahubog ang kanilang talento kun’di upang magbahagi ng malaking kontribusyon sa pagpapanatili ng kasaysayan at kultura nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *