2 teams sa Chinese Basketball Association ‘banned’ dahil sa game-fixing

Pinatawan ng multa at pinatalsik sa liga ng Chinese Basketball Association ang dalawang team na sinasabing sangkot sa game-fixing scandal.

Aabot sa 5 million yuan at tuluyang ‘banned’ na sa liga ang Shanghai Sharks at Jiangsu Dragons matapos itong masangkot sa match-fixing sa kasagsagan ng play-offs ngayong season.

Maliban dito ang Sharks head coach na si Li Chunjiang at ang head coach ng Dragons na si Li Nan ay parehong pinagbawalan sa pag-coach sa loob ng lima hangang tatlong taon.

Bilang karagdagan, ang dalawang General Manager na sina Jiang Yusheng sa Sharks, at Shi Linjie ng Dragons, ay pinagbawalan na makilahok sa anumang aktibidad na may kaugnayan sa basketball sa loob ng tatlo hangang limang taon.

Nag-umpisa ang pagduda matapos sa Game 3 sa pagitan ng Dragons at Sharks noong Biyernes.

Lamang pa ang Dragons 100-96 wala nang dalawang minuto ang nalalabi sa deciding Game 3 ngunit dahil limang magkakasunod na turnovers, nagpakawala ng 10-0 run ang Sharks, na kalaunan ay nanalo sa 108-104 upang masungkit ang serye 2-1 at maabot ang quarter-finals. (LEY BAGUIO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *