30 libong mga electric meter hinihintay pa ng CASURECO II

NAGA CITY – Hinihintay ngayon ng pamunuan ng CASURECO II mula sa kanilang supplier ang nasa 30 libong mga inorder na mga electric meter para sa maraming aplikante nila na hangad magpa-connect ng linya ng kuryente sa mga barangay sa Camarines Sur na kanilang nasasakupan.

Napag-alaman mula kay Rinner Bucay, Public Information Officer ng CASURECO 2 sa panayam sa kanya ng Brigada News FM Naga na may mahigit 13 libo silang mga bagong aplikante ngayon, bukod pa sa mga naka-pending dahil nga sa kakulangan nila ng metro para sa mga ito.

Anya’y pino-proseso na ng kanilang opisina ang pag-purchase para matugunan ang pangangailangan at malagyan na ng linya ng kuryente ang marami nilang aplikante na may ilang taon na ring naghihintay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *