Pigsa nauuso ngayon- MHO Pili, Camarines Sur

CAMARINES SUR- Nauuso ngayon ang pigsa base sa obserbasyon at tala ng Pili Municipal Health Office.

Ibinahagi sa Brigada News FM Naga ni Dr. Rafael Salles na dalawa hanggang tatlo ang kumukonsulta sa MHO bawat linggo dahil sa pigsa. Nakukuha ang pigsa sa bacteria /at natirigger ng init.  Pinag-iingat nito ang mga nasa congested o siksikang lugar, inihalimbawa ni Salles ang mga nasa piitan.

Nakita rin ng MHO ang heat rushes sa mga bata , hindi pa naman uso ang sore eyes na inaasahan din kapag mainit ang panahon. Payo ng mga eksperto, inimum ng sapat na dami ng tubig at maging malinis sa katawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *