4-anyos na bata natuklaw ng ahas sa Tigaon, Camarines Sur

NAGA CITY- Natuklaw ng ahas ang 4-anyos na batang lalaki sa Tigaon, Camarines Sur noong Linggo. Hindi alam kung anong klaseng ahas ito.

Humihingi ng tulong sa publiko si Ginang Junelyn Benibe upang makahanap ng anti-venom. Nakaconfine na sa Bicol Medical Center ang bata pero walang supply ng anti venom roon.

Pinag-ugnay na ng Brigada News FM Naga si  Benibe at ang Environment Disaster Management and Emergency Response Office o EDMERO-Camarines Sur partikular na sa One Hospital Command System upang matulungan sa paghahanap, marami rin ang nag-iwan ng komento kung saan makakakuha ng anti venom; Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Alabang. Nakikipag-ugnayan na ang pamilya roon.

Samantala , kagabi napag-alaman ng BNFM na stable na ang bata.

Matatandaan na noong Enero 2022 una nang ipinaliwanag ng ospital kung bakit kulang na kulang ang supply, katunayan sa Catanduanes pa noon nakakuha. 2020 nang huling makabili, laging nakikicoordinate sa RITM ukol sa supply pero ayon sa Poison Control Center ng BMC wala pa rin silang nakukuhang supply hanggang ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *