68 ektaryang sakahan sa Naga City, apektado ng El Niño Phenomenon

NAGA CITY – 68 ektarya ng sakahan mula sa Barangay San Isidro at Cararayan, Naga City, ang apektado ng El Niño Phenomenon, na may 75 magsasaka ng palay naman ang matinding naapektuhan.

Sa panayam kay Francis Abasola, Agricultural Technologist ng Naga City Agriculture Office, naging problema ang hindi na nakakarating sa dulo ang suplay ng tubig mula sa irigasyon sa naturang area, kung saan dapat na maayos ang sistema sa pagpapabuhos ng tubig.

Ayon naman kay Frank Mendoza, Acting Head ng opisina, kasalukuyang may mga  ginagawang pag-aayos at rehabilitation sa irrigation system partikular sa Barangay Pacol, lalo na’t nakikita ang pagliit ng suplay sa tubig, na kailangan mas mapalawak pa ang kapasidad upang mas magbigay ng maraming suplay maging ang dating pinagkukunan ng suplay kakaunti na lamang ang tubig.

Sa ngayon bilang agarang tulong sa mga apektadong magsasaka, nagpapatuloy ang assessment sa kanila, basta’t rehistrado sa Registry System for the Basic Sectors in Agriculture, maging sa Philippine Crop Insurance Corporation, upang maibalik ang gastos sa pinsalang dulot ng El Niño.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *