700 Solo Parents sa Naga City magiging benepisyaryo ng Republic Act  11861 o Expanded Solo Parents Welfare Act   

NAGA CITY – Makakatanggap ng tig 1,000 piso kada buwan bilang cash subsidiy ang nasa 700 na mga Solo Parents sa Naga City, sa oras na ipatupad na rin ang Republic Act 11861 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act sa pamamagitan ng isang ordinansa na ngayon ay nasa komitiba pa lamang ng Laws and Ordinances ang pag-uusap.

Batay sa pahayag sa Brigada News Fm Naga ni City Councilor Antonio “dodit” Beltran, Chairman ng Solo Parents Committee sa konseho, sinabi niya na ang bilang na ito na 700 na magiging benepisyaryo ay galing sa mahigit 2,000 mga miyembro na dumaan sa masusing evaluation bago naaprobahan.

Sinabi ni Beltran, kabilang sa kinokonsidera nila ay ang pondo na pagkukunan nito dahil ang City Government ang magiging source nito at hindi ang national government, kaya hahanapan na nila ito ng pondo na siyang ginagawa na ng LGU –Naga lalo na ng opisina ng alkade.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *