8 contingents, maglalaban sa T’nalak Street Dancing Competition

KORONADAL CITY- NAGLALAKIHANG papremyo ang naghihintay sa mga contingents ng Street Dancing Competition na highlight ng selebrasyon ng T’nalak Festival 2023 at 57th Foundation Anniversary ng South Cotabato sa July 18.

Inihayag ni Provincial Social Welfare and Development Officer o PSWDO Sonia Bautista, committee chairperson ng Street Dancing na 8 mga entries ang maglalaban sa tatlong kategorya.

Sa Madal Be’Lan category, dalawang entries ang magpapasiklaban, ang Sta.Cruz Mission School ng Lake Sebu at Landan National High School ng Polomolok.

Dalawang entries din ang kalahok sa Kasadyahan sa Kapatagan category, ang Tupi National High School at Norala National High School.

Ang champion sa nabanggit na mga categories ay makakatanggap ng premyong P 350,000 habang P 200,000 naman sa 1st runner up.

Samantala, apat na mga contingents ang magpapasiklaban sa Kadsagayan A Lalan na kinabibilangan ng Sto.Niño National High School, Bacongco National High School ng Koronadal City, Purok Sison Elementary School ng Surallah, at Bukay Pait National High School ng Tantangan.

Ang mananalo ay makakatanggap ng premyong P 350,000 sa champion, P 300,000 sa 1st runner up, P 250,000 sa 2nd runner up at P 100,000 naman ang consolation prize.

Nagbigay din ang probinsya ng tig P 200,000 na seed fund sa lahat ng contingents.

Photo: Dani Doguiles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *