9-anyos na bata sa U.S, tinubuan ng wisdom tooth

ANG wisdom tooth ay ang pinakahuling ngipin na tumutubo sa isang tao sa pagitan ng mga edad 17 hanggang 25-taong gulang.

Kadalasan, hindi nagiging maganda ang tubo nito kung kayat kinakailangang ipakonsulta sa dentist at ipatanggal dahil nagiging sagabal ito sa katabing mga bagang o ‘molar’.

Sa bansang Amerika, isang nuwebe anyos na bata ang pinagtatakahan ng marami matapos itong tubuan ng wisdom tooth sa napakamurang edad.

Ayon sa dentista ni Ryan Scarpelli, napansin niya umanong magkapatong na tumubo ang molar at wisdom tooth na nasa taas na bahagi ng bibig ng bata.

Bunsod nito, kanyang kinonsulta ang nanay ni Ryan at pumayag naman itong bunutin ang wisdom tooth na tumubo sakanyang anak.

Sa kasalukuyan si Ryan ang may hawak ng Guinness World Record title bilang pinakabatang tao sa mundo na tinubuan ng wisdom tooth.### JDR, BNFM BICOL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *