CAMARINES NORTE- Rehistrado na sa Philippine Identification System (PhilSys) ang 81 percent ng kabuuang populasyon ng Camarines Norte edad limang taong gulang pataas.
Ayon ito sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) hanggang noong September 30, 2022 kung saan nasa 448, 661 na ang nakapagparehistro mula June 2021.
Malaking bahagdan ng nagparehistro ay edad 15- 59 na mayroong 57 percent, 33 percent sa 5- 14 habang 10 percent sa age group na 60 anyos pataas.
Patuloy din ngayon ang isinasagawang Step 2 registration sa mga registration center.
Ang mga sumusunod ay ang mga registration center sa iba’t- ibang bayan:
Basud 2nd Floor Old Municipal Hall, Poblacion 1
Capalonga Multi- Purpose Hall Brgy, Catioan
Daet LJR Building III J. Lucban Extension, Barangay III
3rd Floor, SM City Daet, Vinzons Avenue, Brgy. Lag-on
GF, Atrium, Central Plaza Mall, Brgy. Lag-on
San Lorenzo Ruiz Municiapl Hall Compound, GF Astrodome
Jose Panganiban Ground Floor, Municipal Hall Bldg., MCR’s Office, North Poblacion
Labo 2F Labo Public Market (near PESO and LCSTC Office)
Mercedes Second Floor, Mercedes Public Market
Paracale GF Municipal Hall Bldg, Bagumbayan
San Vicente GF, Municipal Hall Bldg, MCR’s Office
Sta Elena 2nd floor, DICT Bldg. Municipal Hall Compound
Talisay 2nd Floor, BFP Bldg. Brgy. Poblacion
Vinzons 2F Old Police Station Bldg. Brgy II
Bukas ang mga nabanggit na Registration Center simula Lunes hanggang Sabado mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon maliban sa SM City Daet at Central Plaza Mall na ang operational hours ay mula alas 10: 00 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.
Bukod sa step 2 registration nag- iisyu rin ng Printable PhilID ang mga registration center.
Ang printable version ng PhilID ay ang pansamantalang gagamitin ng mga nakapagrehistro na sa PhilSys habang naghihintay sa pagdating ng kanilang mga ID.
Magkakaroon lang ng Printable PhilID ang isang indibidwal kung ito ay nakapagparehistro na sa step 2 registration at available na ang Transaction reference Number (TRN) at ePhilID.