‘I am not retired’
Ito ang ginawang pasabog ng tennis star na si Serena Williams, dalawang buwan matapos ang una niyang pahaging na pagre-retiro matapos ang US Open.
Sa isang tech conference sa San Francisco para i-promote ang kanyang investment company, sinabi ni Williams na mataas daw ang tiyansa na bumalik siya sa paglalaro ng tennis.
Paglilinaw ng 23-time champion, hindi niya pa talaga tuluyang napag-iisipan ang pagbababa ng kanyang raketa.
Kuwento pa ni Williams, hinid pa rin siya sanay na sa ngayon na sa t’wing gigising ay hindi mageensayo.